Tuesday, November 07, 2006

A portrait I took of sismon at the shang....
bisita

bumibisita ka
tuwing namumulaklak
ang mga kalachuchi
at katatapos lang ng ulan
na nag-iwan
ng mumunting lawa sa daan
sumasalamin ng langit na kulay laman

pasalubong mo'y ngiting singlagkit
sintamis ng tunaw na tsokolate
tambol ang pusong kumukulog
sa paghimas ng iyong labi

puting talulot ang balat mo
sa paningin at pandama
malungkot na nangangamoy
ng pawis
natutuyo
sa malamig na ihip ng hangin.